₱ 25.00
| Length: | 03:50 |
|---|---|
| File Size: | 8.78 MB |
| Bit Rate: | 320 kbps |
| Sample Rate: | 44100 |
| Codec Name: | MPEG Version 1 Audio, Layer 3 |
A commitment for change that the country needs and the struggle we strongly believe to make it happen. Written, arranged and performed by Karl Ramirez of the Concerned Artists of the Philippines.
I Binabalikat ng bayan Ang mabigat na pasanin At di uusad kung kanya-kanya Iisa ang layunin Ikaw ano ang iyong magagawa upang tulungan ang iyong kapwa? Tayo na't sumumpa Dahil kapwa nating lahat pangarap masaganang hinaharap Ang aming panata sa ating bayang dakila Panata magiging masipag Kikilos dahil tama Dahil walang ibang paraan Upang bayan ay humakbang Kami'y inyong maasahan Tutupad sa aming panata II Kayong inagawan pinalayas sa inyong tahanan Sa trabaho'y kinakawawa Kayong tapat na lingkod ng kapwa Kami'y nandito kasama nyo Maninindigan, kaisa sa prinsipyong Walang sinuman ang papayagang Mang-api sa aming kababayan Ang aming panata sa ating bayang dakila Panatang maninindigan Ilalaban ang tama Dahil walang ibang paraan Upang bayan ay humakbang Kami'y inyong maasahan Tutupad sa aming Bridge: Panata naming ibuklod ang Pilipino Panata naming isulong ang pagbabago III Ang aming panata Sa ating bayang dakila Taas kamao sa pagsulong hinding hinding hindi uurong Dahil walang ibang paraan Upang bayan ay humakbang Kami'y inyong maasahan Tutupad sa aming Panata Ito ang aming panata Ito ang aming panata